mula rito titigil ang lahat....
Dito nagsimula ang akin kwento... habang pinagmamasdan ko ang ganda na hatid ng pasikat ng araw mula doon dama ko na maaaring tumakbo muli ang buhay sa masaya o minsang hindi magandang pagkakataon.... mahirap pero mula dito walang kasiguraduhan ang tanging maaaring maganap ay ang pagbabago na ikaw at ako at ang mundo....
Hindi maglalaon magpapaalam ang lahat.... lilimutin ang ganda na naidulot sa pabubukas ng araw.... mula dito marahil tumawa tayo.... nakipaglaro... nasaktan... nagmahal o hindi kaya patuloy na umasa... dito maaaring panibagong aral ang ating natutuhan mga aral na nagbigay ng lakas at determinasyon para lumaban at ipagpatuloy ang buhay.....
Sa layo ng buwan na tanging liwanag lamang nito ang maaabot habang nagtatago sa kadiliman ng langit malayong matakbo at mayakap ang bawat emosyong namumutawi sa puso't isipan.... sa aninong dulot ng ilaw ng buwan marahil hanggang dito... hanggang dito ako mangangarap.....
miss mo ko
Wala akong ibang inisip kung hindi ikaw... Doon hayaan mo akong maging tanga....hayaan mong patuloy akong umasa sa pagmamahal na maibibigay mo.... hayaan mong lumuha ako at sabay na maglaho sa sariling mundo.... hayaan mong panahon ang magdikta sa akin na ika'y kalimutan.... hayaan mong matulog ako na kasama ka sa aking panaginip....hayaan mong lumikha ako ng magagandang bagay na dulot ng aking kababawan at imahinasyon.... lahat iyon gagawin ko... pero... ikaw kailan mo hahayaan ang sarili mong mahalin ako....
Hindi ako umaasa dun... dahil alam ko darating ang panahon magkikita parin tayo, magkakausap, sabay na tatawa o minsan ding magkakabanggaang balikat... susulyap at sabay na sasabihing 'okay ako'.... Miss kita'....
Sa bilis ng panahon tila nalimot na natin ang isa't isa... pero minsan sabay ng aking pagtulog ang isang kisapmatang patuloy na nagpapaalala sa akin ng lahat... na ikaw na minsang ikaw ang naging dahilan ng aking kasiyahan....
Hayaan nating pagtagpuin muli tayo ng panahon... ikaw at ako... at ang pagmamahal na magiging saksi sa lahat.... Hayaan mong mahalin kita.... hayaan mong punan ng aking panaginip ang kakulangan sa aking puso... hayaan mong maging isa ka sa aking kwento...
At ikaw hahayaan kitang limutin ako.... maging bahagi lang ako ng iyong binuong tulang walang tugma ... doon masaya ako... Lilimutin kita kahit pa miss kita....